Select Page

Bilang paglulunsad ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Assessment sa Lalawigan ng Laguna, matagumpay na naidaos ng Pamahalaang Bayan ng Bay ang CY 2023 SGLG Assessment noong ika-16 ng Mayo 2023.

Pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) Laguna Sub-Regional Assessment Team ang pagtatasa sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bay.

Sa pangunguna naman ni Hon. Mayor Jose O. Padrid katuwang ang mga pinuno ng mga departamento at mga kawani ng pamahalaang bayan ay masaayos na naisagawa ang audit at matagumpay na naipresenta ang mga kinakailangang dokumento at programa upang makapasa sa mga parameters ng Seal of Good Local Governance Assessment.

Lahat ng ito ay para sa tuloy-tuloy na pagsulong sa bayan ng Bay!